Pagpapalitan at kooperasyon, palalakasin ng Tsina’t Gabon

2023-04-20 16:07:57  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Abril 19, 2023, kay Sylvia Bongo Ondimba, Unang Ginang ng Republika ng Gabon, ibinahagi ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, ang bungang natamo ng kanyang bansa sa pagpigil at paggamot sa Human Immuno Deficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) at Tuberculosis, at bunga ng paglaban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Peng Liyuan, wife of Chinese President Xi Jinping, meets with Sylvia Bongo Ondimba, wife of President of the Gabonese Republic Ali Bongo Ondimba, in Beijing, China, April 19, 2023. /Xinhua


Ikinuwento rin ni Peng ang kanyang gawain bilang Goodwill Ambassador ng World Health Organization para sa Tuberculosis at HIV/AIDS.


Sinabi ni Peng handa ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan sa Gabon, ibahagi ang mga karanasan, at pasulungin ang kooperasyon, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. 


Samantala, pinapurihan ni Ondimba ang kahanga-hangang bungang natamo ng Tsina sa larangan ng pampublikong kalusugan. 


Nakahanda aniya ang Gabon na pag-aralan ang matagumpay na karanasan ng Tsina, at palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa. 


Sabi pa niyang nais niyang maglakbay sa Tsina para komprehensibong makilala ang kultura at bunga ng pag-unlad ng Tsina. 


Si Sylvia Bongo Ondimba ay kasamang dumadalaw sa Tsina ni Pangulong Ali Bongo Ondimba ng Republika ng Gabon.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio