Mga miyembro ng Jury ng Tiantan Awards mula kaliwa, Nadav Lapid, Zhou Dongyu, Zhang Yimou, Zhang Songwen, Stanley Kwan, at Pimpaka Towira, nag-pose ng group photo sa red carpet ng ika-13 Beijing International Film Festival, sa Beijing
Pagdiriwang ng ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF) ay idinaos sa lakeside ng Yanqi Lake, distrito ng Huairou, Lunsod Beijing, at ang tema ng pagdiriwang sa taon ngayon ay ang “Pagbabahagi ng Kultura, Nakabahaging Kinabukasan.”
Beijing Yanqi Lake International Convention at Exhibition Center
Tatakbo mula Abril 22 hanggang 29, 2023 ang pagdiriwang ng ika-13 BJIFF kasama ang kilalang Tsinong director na si Zhang Yimou na pinamunuan ang international jury para sa Tiantan Award, ayon sa mga organizer.
Labinlimang pelikula ang maglalaban para sa Tiantan Award ngayong taon at napili sila mula sa record-breaking na 1,488 na pelikula mula sa 93 bansa at rehiyon na nag-apply para sa kompetisyon.
Movie poster ng Leonor Will Never Die
Sa panahon ng pagdiriwang, higit sa 160 internasyonal na pelikula ng magkakaibang mga tema ang ipapalabas sa 27 mga sinehan sa Beijing, kasama ang pelikulang Pilipino mula sa direksyon ni Martika Ramirez Escobar, ang Leonor Will Never Die.
Sinimulan noong 2011, ang BJIFF ay naglalayon na palakasin ang pagpapalitan ng mga pandaigdigang tagaloob ng industriya ng pelikula. Nakaakit ito ng dumaraming internasyonal na atensyon dahil sa umuusbong na merkado ng pelikulang Tsino.
Bukod dito, ang red carpet ng BJIFF ay dinaluhan ng mga sikat na produsyer, aktor, aktress at direktor mula isa iba’t ibang panig ng daigdag.
Ang cast ng The Legend mula sa kaliwa, aktor Jackie Chan, aktress Gulnazar, prodyuser Stanley Tong, director Yu Dong, rapper Zhang Yixing
Direktor Peter Chan
German Direktor Henckel von Donnersmarck
Cast members ng pelikulang Lost in the Stars
Cast members ng pelikulang Godspeed
Nagbibigay ng pahayag ang cast members ng pelikulang The Wandering Earth II
Aktor na si Zhang Songwen at actress na si Zhang Ziyi
Mula sa mga hinahangaang direktor hanggang sa mga aktor, prodyuser hanggang sa mga tagasulat ng senaryo, ang seremonya ng pagbubukas ay nangangako na ito ay magiging isang kaganapang puno ng bituin.
Inaasahan na ang pagdiriwang ng BJIFF ay magbibigay inspirasyon, magdudulot ng mabuting aral sa pag-unawa ng pagbahahagi ng iba’t ibang kultura, mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ulat/Larawan: Ramil Santos