Maayos na nagtapos nitong Sabado, Agosto 20 ang Ika-12 Beijing International Film Festival.
Sa seremonya ng pagpipinid, inilahad ang 10 nagwagi ng Tiantan Awards.
Sa kasalukuyang pestibal, umabot sa 1,450 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong pelikula sa buong mundo para sa Tiantan Awards.
Kabilang dito, 1,193 rehistradong pelikula ay galing sa 88 bansa’t rehiyon maliban sa Tsina, at pinakamataas ito sa kasaysayan.
Pagkaraan ng walang humpay na pag-a-upgrade nitong nakalipas na 12 taon, ang Beijing International Film Festival ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa diyalogo at pagpapalitan ng mga pelikulang Tsino at dayuhan.
Salin: Vera
Pulido: Mac