Binuksan ngayong araw, Abril 22, 2023, ang Ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF), sa ilalim ng temang "Sharing Culture, Shared Future."
Sa seremonya ng pagbubukas, tinukoy ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) at Tagapangulo ng Komiteng Tagapag-organisa ng IKa-13 BJIFF, na ang nabanggit na tema ng pestibal ay nakatugma sa Global Civilization Initiative na iniharap ng Tsina.
Sinabi rin niyang, patuloy na pasusulungin ng CMG ang inobasyon sa mga teknolohiya ng paggawa ng pelikula, at aktibong lalahok sa kooperasyong pandaigdig sa paggawa ng pelikula.
Ipinahayag naman ni Mo Gaoyi, Puno ng Publicity Department ng Beijing Municipal Committee ng Partido Komunista ng Tsina, ang tuluy-tuloy na pagsuporta ng Beijing sa industriya ng pelikula.
Sa panahon ng kasalukuyang pestibal, ipapalabas sa mga sinehan sa Beijing ang mahigit sa 160 pelikula ng iba’t ibang bansa, kasama ang pelikulang Pilipino mula sa direksyon ni Martika Ramirez Escobar, ang Leonor Will Never Die.
Editor: Liu Kai