Inanunsyo Martes, Abril 25, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na gaganapin sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina ang ika-4 na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at 5 bansa ng Gitnang Asya.
Ang pagtatagpo ay pangunguluhan aniya ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Dadalo rin dito ang mga counterpart ni Qin mula sa Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan, dagdag ni Mao.
Matatandaang sa ika-3 pagkikita ng mga ministrong panlabas ng dalawang panig noong Hunyo 2022, napagkaisahan nilang itayo ang mekanismo ng pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Gitnang Asya.
Ayon dito, itataguyod ng Tsina ang kauna-unahang China-Central Asia Summit (CCAS).
Isinalaysay ni Mao na layon ng gaganaping pagtatagpo ng mga ministrong panlabas na gawin ang komprehensibong paghahandang pulitikal para sa matagumpay na pagdaraos ng CCAS.
Magpapalitan aniya ng kuru-kuro ang 6 na panig hinggil sa mga areglo ng CCAS, kooperasyon ng Tsina at Gitnang Asya sa iba’t-ibang larangan, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na komong pinahahalagahan ng lahat.
Salin: Vera
Pulido: Rhio