Ayon sa sekretaryat ng Boao Forum for Asia (BFA), Biyernes, Pebrero 17, 2023, gaganapin sa Boao, lalawigang Hainan ng Tsina ang taunang pulong ng BFA, mula Marso 28 hanggang 31.
Sa ilalim ng temang “Isang Di-tiyak na Daigdig: Pagkakaisa at Kooperasyon para sa Kaunlaran sa Harap ng mga Hamon,” gaganapin lamang sa offline platform ang kasalukuyang taunang pulong.
Tatalakayin dito ang apat na pangunahing paksang kinabibilangan ng “Development and Inclusiveness,” “Efficiency and Security,” “Regional and Global,” at “The Present and the Future,” dagdag ng sekretaryat.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Op-Ed: Isang ligtas na kapaligiran, nakakabuti sa buong daigdig
BFA: RCEP at Hainan FTP, magdudulot ng malaking benepisyo sa Asya
Dalubhasang Amerikano: pagpapasulong ng Tsina sa pagkakaisang pandaigdig, karapat-dapat papurihan
Pangulong Duterte sa BFA: muling buuin ang mas mabuting bagong normal pagkatapos ng pandemiya