Beijing – Sa kanyang mensaheng pambati para sa Taon ng Kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Agrikultural na Pag-unlad at Seguridad sa Pagkain, Abril 25, 2023, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na mahalaga ang pagdaraos ng nasabing taon ng kooperasyon.
Umaasa aniya siyang lalo pang palalakasin ng dalawang panig ang koordinasyon sa patakaran at kooperasyon, para pataasin ang pleksibilidad at sustenableng pag-unlad ng agrikultura, at mas mabuting igarantiya ang seguridad sa pagkain.
Ito ay upang magkakasamang makapag-ambag para sa pagsasa-ayos ng agrikultura at pagkain ng buong daigdig, saad pa niya.
Bukod kay Premyer Li, lumahok din sa pagtitipon si Pangalawang Premyer Liu Guozhong, at sa kanyang talumpati, tinukoy niyang ang Tsina at mga bansang ASEAN ay may kanya-kanyang bentahe, kaya malakas ang pagkokomplemento ng dalawang panig, at malawak ang prospek ng kooperasyon.
Aniya, nakahanda ang Tsina na gawing kaganapan ang pagpapalakas ng kooperasyon upang magsilbing bagong puntong panimula.
Dagdag pa niya, magkasamang magsisikap ang Tsina at ASEAN, para palalimin ang pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan.
Samantala, nakilahok din sa naturang seremonya ang nasa 100 personaheng kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa mga Kagawaran at Ministri ng Agrikultura ng mga bansang ASEAN, Sekretaryat ng ASEAN, mga kinauukulang departamento ng Tsina, at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio