Mahigit 1,100 mamamayang Tsino, inilikas mula sa Sudan – Ministring Panlabas ng Tsina

2023-04-27 15:24:15  CMG
Share with:

Isinalaysay Miyerkules, Abril 26, 2023 ni Wu Xi, Direktor-Heneral ng Department of Consular Affairs ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang ngayon, mahigit 1,100 mamamayang Tsino ang ligtas na inilikas mula sa Sudan.

 

Aniya, sa ilalim ng patnubay ng kanyang ministri, inorganisa ng mga pasuguan at konsulada sa Sudan at mga kapitbansa ang malawakan, ligtas at maayos na paglilikas ng mga personahe mula sa nagsasagupaang sona na gaya ng Khartoum sa maikling panahon.

 

Ipinadala rin ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang mga bapor na pandigma para sa operasyon ng paglilipat at paglilikas, dagdag ni Wu.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil