Isinalaysay Lunes, Abril 24, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinadala ng kanyang ministri ang working group sa Sudan, at ligtas na iniurong ang unang pangkat ng mga mamamayang Tsino doon sa kapitbansa ng Sudan.
Saad ni Mao, sapul nang maganap ang biglaang pagbabago ng kalagayan ng Sudan, ikinababahala ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Sudan.
Aniya, pinasimulan agad ng Ministring Panlabas ng Tsina ang consular emergency response mechanism, at mahigpit na nakipagkoordina sa ibang departamento ng pamahalaan, mga pamahalaang lokal at mga pasuguan at konsulada sa Sudan at mga kapitbansa, upang pangalagaan ang kaligtasan ng mga kababayan sa Sudan, at itakda ang plano sa pag-uurong at paglilipat.
Salin: Vera
Pulido: Ramil