Mahigit 1,300 mamamayang Tsino, inililikas mula sa Sudan; mga mamamayan ng 5 bansa, tinulungan ng Tsina para sa ligtas ng pag-urong

2023-04-27 16:54:00  CMG
Share with:

Isinalaysay Huwebes, Abril 27, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1,300 mamamayang Tsino ang ligtas na inililikas mula sa Sudan, sakay ng mga bapor na pandigma at bapor na sibil ng Tsina.

 

Bukod dito, tinulungan aniya ng panig Tsino ang mga mamamayan ng 5 bansa upang iurong mula sa Sudan.

 

Kaunting mamamayang Tsino ang nananatili pa rin sa ibang lugar sa labas ng Khartoum, at sinusubaybayan ng panig Tsino ang kani-kanilang kaligtasan, upang tulungan sila sa abot ng makakaya sa anumang sandali, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil