Amerika, malisyosong inimbento ang ebidensya at isinakdal ang opisyal na Tsino: Tsina, ipinahayag ang matinding pagtutol

2023-04-28 16:43:08  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsasakdal kamakailan ng Amerika sa pulisyang Tsino, ipinahayag Abril 27, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malisyosong inimbento ng Amerika ang umano’y naratibong “transnasyonal na represyon,” pinagsama-sama ang mga gawa-gawang ebidensiya, at isinakdal ang mga opisyal Tsino sa pagpapatupad ng batas at iba pang opisyal ng pamahalaan Tsino, isinagawa ang manipulasyong pulitikal, at ikinakalat ang “banta ng Tsina.”

 

Ito’y matatag na tinututulan ng Tsina, ani Mao.



Dagdag pa niya, inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon at mahigpit na protesta sa panig Amerikano sa pamamagitan ng diplomasya, pagpapatupad ng batas at iba pang tsanel.

 

Tinukoy ni Mao na ang aksyon ng Amerika ay labag sa pundamental na katotohanan, propesyonal na etika at diwa ng batas.

 

Ito’y naglalayong isapulitika at gawing sandata ang batas, diin niya.

 

Hinihiling aniya ng Tsina sa Amerika na agarang itigil ang maling aksyon, at kung hindi, tiyak na isasagawa ng Tsina ang ganting hakbang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio