Xi Jinping, ipinaabot ang pagbati at pangungumusta sa mga manggagawa

2023-04-30 18:35:38  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa unang araw ng Mayo, ipinaabot ngayong araw, Abril 30, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati at pangungumusta sa lahat ng mga manggagawa sa bansa.

 

Nanawagan si Xi sa mga manggagawa, na igiit ang kasipagan sa paggawa, igalang ang mga modelong manggagawa, at pag-ibayuhin ang kahusayan sa paggawa.

 

Umaasa siyang, sa pamamagitan ng buong sikap na pagtatrabaho at lakas-loob na pagsasagawa ng inobasyon, pasusulungin ng mga manggagawa ang modernisasyong Tsino, at gaganapin ang namumunong papel para sa pagtatatag ng mas malakas na bansa at pagsasakatuparan ng pagbangon ng nasyon.

 

Hiniling din niyang, pangalagaan ang mga lehitimong karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, tulungan sila sa paglutas ng mga kahirapan, at buuin ang atmosperang panlipunan ng mas malaking paggalang sa paggawa at mga manggagawa.


Editor: Liu Kai