Situwasyon at aktibidad pang-ekonomiya ng Tsina, sinuri ng CPC

2023-04-28 16:29:19  CMG
Share with:

Sinuri sa pulong Biyernes, Abril 28, 2023 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang kasalukuyang situwasyon at aktibidad pang-ekonomiya ng bansa.

 

Ayon dito, may desididong bunga ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), komprehensibong napanumbalik ang normal na takbo ng kabuhaya’t lipunan, mas maganda kaysa inaasahan ang paglago ng kabuhayan, at naisakatuparan ang mainam na panimula ng takbo ng kabuhayan pagpasok ng 2023.

 

Tinukoy sa pulong na kailangang pabilisin ang pagbuo ng modernong sistemang industriyal na sinusuportahan ng real economy, isulong ang pagkakamit ng breakthrough sa mahihinang larangan, at palakasin ang mga larangang may bentahe.

 

Ipinagdiinan din ng mga kalahok sa pulong na dapat komprehensibong palalimin ang reporma, at palawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas.

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina ang naturang pulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio