Ayon sa Presidential Press Service ng Rusya, inilunsad, madaling araw, Mayo 3, 2023 ng Ukraine ang atake gamit ang mga drone sa Kremlin, pero napigilan ito ang mga puwersang panseguridad ng bansa, at walang naidulot na pinsala ang pangyayari.
Ani Dmitry Peskov, Press Secretary ng Kremlin, ang naturang pagsalakay ay itinuturing ng Rusya bilang isang planadong teroristikong pag-atake, at may karapatan ang Rusya na magsagawa ng angkop na aksyon bilang tugon.
Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni Mykhailo Podolyak, Ukrainian Presidential Advisor, na hindi inatake ng kanyang bansa ang Kremlin.
Binigyang-diin niyang ang mga target ng atake ng Ukraine ay pasilidad-militar lamang sa mga inookupahang teritoryo ng Rusya sa loob ng Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio