Puno ng UN, nanawagan sa Rusya at Ukraine na lutasin ang sagupaan sa paraang diplomatiko

2023-02-25 18:09:41  CMG
Share with:

Sa bukas na pulong ng United Nations Security Council tungkol sa isyu ng Ukraine, na idinaos kahapon, Pebrero 24, 2023, nanawagan si Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, para lutasin ng Rusya at Ukraine ang sagupaan sa paraang diplomatiko. Ito aniya ay para magbigay ng pagkakataon para sa kapayapaan.

 

Sinabi rin niyang, ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay pangangalaga sa mga sibiliyan, at paggarantiya sa ligtas at maginhawang tsanel para sa makataong saklolo.

 

Hinimok ni Guterres ang iba’t ibang may kinalamang panig, na itakda at ipatupad ang sonang pangkaligtasan ng Zaporizhzhia nuclear plant, aktibong lumahok sa Black Sea Grain Initiative, at palawigin ang inisyatiba pagkaraan itong matapos sa susunod na buwan.

 

Sa isa pang development, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Stephane Dujarric ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang Papel ng Paninindigang Tsino sa Pulitikal na Kalutasan ng Krisis sa Ukraine na inilabas ng Tsina ay mahalagang ambag ng bansa sa isyung ito.

 

Napakahalaga ng pananawagan para iwasan ang paggamit ng mga sandatang nuklear, dagdag niya.


Editor: Liu Kai