Humanitaryong krisis sa Afghanistan, dapat pahalagahan ng komunidad ng daigdig – António Guterres

2023-05-04 17:19:37  CMG
Share with:

Pagkatapos ng closed-door United Nations (UN) Summit on Afghanistan, sinabi Mayo 2, 2023, sa Doha, kabisera ng Qatar, ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na dalawang katlo ng populasyon ng Afghanistan ang nangangailangan ng makataong tulong para sila ay mabuhay sa taong ito. 

Aniya, kailangang bigyang-pansin ng komunidad ng daigdig ang grabeng humanitaryong krisis sa nasabing bansa. 


Kalahok sa pulong ang mga kinatawan mula sa mahigit 20 bansa at organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika at iba pa. 


Hindi naman lumahok sa pulong ang pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan dahil hindi ito inanyahan.


Salin:Sarah 

Pulido:Rhio