Mas maraming tulong para sa Afghanistan, ipinanawagan ng Tsina

2022-12-21 16:11:53  CMG
Share with:


Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC), Martes, Disyembre 20, 2022, nanawagan sa komunidad ng daigdig si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na ipagkaloob ang mas maraming tulong at pagkatig sa Afghanistan.

 

Sinabi ni Zhang na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ng rekonstruksyon at pagbangon ang Afghanistan, at mabigat pa rin ang pasanin ng bansa sa pagsasakatuparan ng mapayapang pag-unlad.

 

Saad ni Zhang, nitong nakalipas na panahon, malaking pagsisikap ang isinagawa ng mga karatig bansa ng Afghanistan para sa pagkakaroon ng mapayapang proseso ng bansa.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhang, na kinakatigan ng Tsina ang pagganap ng mahalagang papel ng UN para sa mapayapang rekonstruksyon ng Afghanistan.

 

Kasama ng komunidad ng daigdig, nakahanda rin aniya ang Tsina upang magbigay ng mas maraming ambag tungo sa pagsasakatuparan ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Afghanistan.