FM ng Tsina, dumalo sa Ika-4 na pulong ng mga FM ng mga kapit-bansa ng Afghanistan

2023-04-14 16:40:07  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Abril 13, 2023, sa Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Kapit-bansa ng Afghanistan na idinaos sa Samarkand, Uzbekistan, sinabi ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, ang kalagayan ng Afghanistan ay nasa masusing panahon ng pagsasaayos at pagbabago ng patakarang panloob at panlabas, kailangan nito ng atensyon at input ng komunidad ng daigdig, partikular na ang mga kapit-bansa.

 

Binigyan-diin ni Qin na dapat gampanan ng mga kapit-bansa ng Afghanistan ang pamumunong papel para makatulong sa bansang ito na magtagumpay na labanan ang kahirapan at mga hamon, at isakatuparan ang kapayapaan at kaunlaran.

 

Inilahad ni Qin ang apat na mungkahi.

 

Una, dapat labanan ang teroristikong puwersa sa Afghanistan; ikalawa, dapat himukin ang Amerika na isabalikat ang mga responsibilidad nito; ikatlo, dapat manawagan sa Afghan Taliban na itatag ang inklusibong pamamahala; ika-apat, dapat isagawa ang aktuwal na kooperasyon na may kinalaman sa Afghanistan.

 

Malalim na tinalakay ng mga kalahok ang mga isyu ng Afganistan, at buong pagkakaisang ipinalalagay nilang dapat palakasin ang koordinasyon at kooperasyon, at magkakasamang isakatuparan ang Tunxi Initiative, at pasulungin ang panrehiyong konektibidad.

 

Pagkatapos ng pulong, dumalo si Qin Gang kasama ng mga iba pang panig sa diyalogo ng mga FM ng Afghanistan at mga kapit-bansa nito.

 

Bukod dito, nangulo nang araw ding iyon sa Samarkand si Qin Gang sa ikalawang impormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya, Pakistan at Iran.

 

Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo si Qin Gang kina FM Sergey Lavrov ng Rusya at Amir Khan Muttaqi, umaaktong ministrong panlabas ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan.


Si Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Amir Khan Muttaqi, umaaktong ministrong panlabas ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan


Salin:Sarah

Pulido:Ramil