CMG Komentaryo: CIA, pinakamalaking hacker ng buong daigdig

2023-05-06 16:22:02  CMG
Share with:

Sa ulat na magkasanib na ipinalabas kamakailan ng National Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) ng Tsina at Qihoo 360 Technology Co. Ltd, isinapubliko ang espionage ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika na palagiang kinokolekta ang impormasyon ng mga pamahalaan, kumpanya at mamamayan ng ibang bansa.

 

Pagkatapos ng Cold War, sinimulan ng Amerika ang paggamit ng internet para patibayin ang nitong unipolar na hegemonya; sa pamamagitan ng walang humpay na “pagsisikap” ng mga pamahalaang Amerikano, binuo ng Amerika ang estratehiya ng cyberspace na mayroong maliwanag na katangian ng atake.

 

Kasabay nito, ang CIA ay naging hacker sa internet. Pinaunlad nito ang napakaraming cyber attack weapon, na naging banta sa kaligtasan at kaunlaran ng buong daigdig.

 

Sa ngayon, ang cyber attack weapon ng Amerika ay sumasaklaw na sa lahat ng sakop ng internet. Maaaring kontrolin nito ang internet ng ibang bansa at nakawin ang mahalaga at sensitibong impormasyon ng ibang bansa. Ang Amerika ay top hacker ng buong daigdig, at maraming bansa na kinabibilangan ng Tsina ay biktima ng cyber attack at mga aktibidad ng pagnanakaw ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil