Magkasanib na inilabas Huwebes, Mayo 4, 2023 ng National Computer Virus Emergency Response Center ng Tsina at Qihoo 360 Technology Co. Ltd., kompanya ng cybersecurity ng Tsina; ang ulat ng imbestigasyon hinggil sa mga cyberattack na inilunsad ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika laban sa ibang bansa.
Anito, natuklasan noong 2020 ng Qihoo 360 ang isang organisasyong naglulunsad ng mga cyberattack, at sinalakay nito ang Tsina at iba pang bansa, gamit ang mga cyber tool na may kinalaman sa CIA.
Ang ganitong cyberattack ay nadiskubreng nagsimula noong 2011, at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan, dagdag ng ulat.
Anito pa, ginagawang target ng pagsalakay ang masususing imprastruktura ng impormasyon ng iba’t-ibang bansa, sektor ng kalawakan, mga instituto ng siyentipikong pananaliksik, industriya ng petrolyo, mga kompanya ng teknolohiya, mga ahensya ng pamahalaan at iba pa.
Isiniwalat din ng ulat na ginamit ng CIA ang zero-day vulnerability na kinabibilangan ng maraming sikretong backdoor channel at iba pang bulnerabilidad sa malawakang cyberattack sa buong mundo.
Anito pa, layon ng ganitong kilos na itayo ang mga "zombie" network para isagawa ang yugtu-yugtong springboard attack sa mga web server, terminal, router, at industrial control device.
Sa proseso ng imbestigasyon, natuklasan ang napakararaming malware na gaya ng Trojan program at plug-in na may kaugnayan sa CIA.
Ibinunyag din ng imbestigasyon na ang mga cyberattack ng CIA ay sumasaklaw sa lahat ng mga network, at dahil dito, madaling mananakaw ng CIA ang mga sensitibong datos ng ibang bansa sa anumang sandali.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Blue paper sa pag-unlad ng Internet ng Tsina at daigdig, inilabas sa WIC Wuzhen Summit
Tsina, ibinunyag ang mas maraming detalye hinggil sa cyberattack ng Amerika
Mga detalye ng cyber attacks ng NSA ng Amerika, ibinunyag ng ulat ng Tsina
Amerika isinagawa ang cyberattack sa unibersidad ng Tsina; Tsina mahigipit na kinondena ito