Ayon sa ulat ng imbestigasyon na inilabas nitong Setyembre 5, 2022, ng National Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) ng Tsina at 360, komapnya ng cybersecurity ng Tsina, mahigit 41 espesyal na sandatang pang-internet ang ginamit ng National Security Agency (NSA) ng Amerika para isagawa ang mahigit 1 libong cyberattack sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina, at ninakaw ang mga mahalagang teknikal na datos.
Bukod dito, isinagawa din ng NSA ang cyberattack sa mga kompanya, pamahalaan, unibersidad, organong medikal, organo ng pananaliksik, at iba pang organo ng Tsina.
Isinagawa din ng NSA ang walang habas na audio surveillance sa mga cellphone users ng Tsina, at ilegal na ninakaw ang mga nilalaman ng text messages nila.
Samantala, ayon sa media ng Denmark, Alemanya, Pransya at iba pang bansa, isinagawa din ng Amerika ang cyberattack at audio surveillance sa maraming bansa ng buong mundo, na kinabibilangan din ng mga kaalyansa nito.
Ang mga ebidensiya ay lubos na nagpapakita na ang Amerika ay kaharian ng hackers, pagmamatyag, at pagnanakaw ng impormasyon.
Dapat magsama-sama ang lahat ng bansa na nais ang kapayapaan para buong tatag na labanan ang cyber hegemony ng Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac