Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga kinatawan ng COFA

2023-05-08 17:00:48  CMG
Share with:

Mayo 8, 2023, Great Hall of the People, Beijing – Sa kanyang pakikipagkita sa mga kinatawan ng Ika-10 China Overseas Friendship Association (COFA), ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mainit na pagbati sa mga overseas at ethnic Chinese.

 

Bukod kay Xi, lumahok din sa pagtatagpo si Shi Taifeng, Puno ng United Front Work Department ng Komite Sentral ng CPC.

 

Sinabi niyang ang mga overseas at ethnic Chinese ay mahalagang tulay na nag-uugnay sa Tsina at buong daigdig, at puwersang tagapagpasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Samantala, ang COFA naman aniya ay importanteng plataporma ng kooperasyon ng mga pangunahing organisasyon ng mga overseas at ethnic Chinese sa buong mundo.

 

Kaugnay nito, halos 500 namamahalang tauhan ng mga organisasyon ng overseas at ethnic Chinese mula sa mahigit 130 bansa at rehiyon ang lumahok sa Ika-10 COFA.

 

Kasali rin sa pagtatagpo ang iba pang mataas na opisyal ng Tsina na kinabibilangan nina Wang Huning, Cai Qi, Wang Yi, at Jiang Zuojun.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio