Kampanya ng mga media sa China Brand Day, itinaguyod ng CMG

2023-05-10 15:36:22  CMG
Share with:


Ginanap Martes, Mayo 9, 2023 sa Beijing ang kampanya ng mga media sa China Brand Day.

 

Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng China Media Group (CMG) sa ilalim ng temang “Proyekto ng pagtatatag ng malakas na bansa sa tatak: paglikha ng komong tulay, pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad,” sa okasyon ng China Brand Day tuwing Mayo 10.

 

Sa kanyang talumpati sa aktibidad, inihayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ibayo pang gagampanan ng CMG ang masaganang yaman ng media nito sa loob at labas ng bansa at bentahe sa integradong pagbobrodkast, at ilatag ang malawakang arena para sa pagpapalaganap ng mga kuwento at kahalagahan ng mga tatak na Tsino.

 

Sinabi naman ni Luo Wen, Direktor ng State Administration for Market Regulation ng Tsina, na puspusang susuportahan ang kampanya ng mga bahay-kalakal sa pagtatatag ng sarili nilang tatak, at isulong ang komprehensibong puwersa ng mga tatak na Tsino sa mas mataas na lebel.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil