Ayon sa datos na inilabas Huwebes, Mayo 11, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nagdaang Abril, tumaas ng 0.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa, isang pangunahing sukat ng implasyon.
Ito ang mas mababa kaysa 0.7% pagtaas noong Marso.
Samantala, bumaba ng 3.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang Producer Price Index (PPI) ng Tsina noong Abril.
Sinusukat ng PPI ang halaga ng bilihin mula sa pabrika.
Salin: Vera
Pulido: Ramil