CPI ng Tsina, tumaas ng 2% noong 2022

2023-01-12 16:20:32  CMG
Share with:


Inihayag ngayong araw, Enero 12, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na tumaas ng 2% ang consumer price index (CPI) ng bansa sa taong 2022.

 

Samantala, noong nagdaang Disyembre, tumaas ng 1.8% ang CPI ng bansa kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang ito – mas malaki ng 0.2% kaysa sa 1.6% pagtaas noong Nobyembre.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio