Mas mahigpit na pakikipagpalitan sa Pransya sa lahat ng mga lebel, ipinanawagan ng ministrong panlabas ng Tsina

2023-05-11 15:57:01  CMG
Share with:


Paris - Sa pakikipag-usap sa kanyang French counterpart na si Catherine Colonna Miyerkules, Mayo 10, 2023, nanawagan si Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Pransya sa lahat ng mga lebel.

 

Hinimok din niyang pag-ibayuhin ang pagbubukas ng merkado sa isa’t isa, palakasin ang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig, at magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Inulit din ni Qin ang determinasyon ng bansa sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas sa mataas na antas.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon, at ibahagi ang mga pagkakataong pangkaunlaran sa komunidad ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil