Mga ministrong panlabas ng Tsina at Alemanya, nag-usap

2023-05-10 15:39:10  CMG
Share with:

Berlin – Nag-usap Martes, Mayo 9, 2023 sina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Annalena Baerbock, Ministrong Panlabas ng Alemanya.

 

Saad ni Qin, dapat magkasamang paghandaan ng kapuwa panig ang mga gawaing preparatoryo para sa ika-7 round ng negosasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Alemanya, at gawin ang komprehensibong plano sa pragmatikong kooperasyon ng magkabilang panig sa iba’t ibang larangan sa darating na isang panahon.

 

Aniya, dapat igiit ng dalawang bansa ang pagtahak sa tumpak na landas, magkasamang tutulan ang bagong Cold War at decoupling, at patingkarin ang kompiyansa at lakas-panulak para sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.

 


Inihayag naman ni Baerbock, na lubos na pinahahalagahan ng panig Aleman ang pagpapalitan ng kapuwa panig sa mataas na antas at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang panig Aleman na pasulungin ang pagtamo ng negosasyon ng dalawang pamahalaan ng positibong bunga, lalong lalo na, pahigpitin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagbabago ng klima, transpormasyon ng enerhiya, biodiversity, pagpapalitan ng mga kabataan at iba pa.

 

Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa isyu ng Ukraine.

 

Ipinagdiinan ni Qin na ang paninindigan ng Tsina sa mula’t mula pa’y pagpapasulong sa talastasang pangkapayapaan.

 

Dapat resolbahin aniya ng mga bansang Europeo ang ugat ng krisis, at gawin ang pagsisikap para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katiwasayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil