Xi Jinping, binigyang-diin ang koordinadong pag-unlad ng Beijing-Tianjin-Hebei

2023-05-13 18:30:24  CMG
Share with:

 

Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Hebei, ipinatawag kahapon, Mayo 12, 2023, sa Shijiazhuang, punong lunsod ng lalawigang ito, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pulong tungkol sa pagpapalalim ng koordinadong pag-unlad ng rehiyong Beijing-Tianjin-Hebei.

 

Hiniling niyang, tuluy-tuloy na pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng rehiyong Beijing-Tianjin-Hebei, para ang rehiyong ito ay maging pilot at demonstration area ng modernisasyong Tsino.

 

Ang rehiyong Beijing-Tianjin-Hebei ay binubuo ng kabisera ng Tsina na Beijing, malapit na metropolis na Tianjin, at lalawigang Hebei na pumapaligid ng Beijing.

 

Layon ng pagbuo ng city cluster na ito na lutasin ang mga problema ng Beijing bilang napakalaking lunsod, na gaya ng siksikan ng trapiko at polusyon, sa pamamagitan ng pag-alis ng mga papel ng Beijing na hindi kabilang sa kabisera ng bansa.

 

Ang Xiongan, bagong tayong lunsod sa lalawigang Hebei, na binisita ni Xi noong Miyerkules, ay gumaganap ng mahalagang papel sa aspektong ito.


Editor: Liu Kai