Blueprint ng de-kalidad na pag-unlad ng Xiong’an New Area, inilarawan ni Pangulong Xi

2023-05-11 15:52:50  CMG
Share with:

Naglakbay-suri Miyerkules, Mayo 10, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Xiong’an New Area na mahigit 100 kilometro ang layo nito sa Beijing, kabisera ng bansa, at nangulo siya sa talakayan hinggil sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng sonang ito sa mataas na antas.

 


Noong Abril ng 2017, ipinasiya ng Tsina ang pagtatayo ng Xiong’an New Area, upang pahupain ang mga non-essential function ng Beijing.

 

Ipinalalagay ni Pangulong Xi na ito ang sanlibong taong plano na may kinalaman sa mga susunod na henerasyon.

 

Ang Xiong’an New Area na nagtatampok sa matalino, berde at may inobasyong lunsod ay modelo ng modernisasyong Tsino, at ito rin ang sample ng Tsina sa pagtatatag ng pandaigdigang modernong lunsod.

 

Sa talakayan hinggil sa de-kalidad na pag-unlad ng Xiong’an New Area, sinabi ni Xi na ang mga natamong bunga ng konstruksyon ng Xiong’an sa ilalim ng pabagu-bagong kalagayang pandaigdig at matinding situwasyon ng tatlong taong pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay himala.

 


Ipinagdiinan niyang dapat matibay na pasulungin ang pagpapatupad ng iba’t ibang tungkulin, at palakasin ang paglilipat ng mga non-essential function sa labas ng kabisera, sa pamamagitan ng marketisado at legalisadong paraan.

 

Dapat din aniyang pasulungin ang kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon.

 

Diin niya, dapat buuin ang primera klaseng kapaligirang pangnegosyo, at ilunsad ang espesyal na patakaran ng pagsuporta, para malawakang akitin ang mga puwersa at kapital sa loob at labas ng bansa na sumali sa konstruksyon at pag-unlad ng Xiong’an New Area.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil