Sa kanyang talumpati, Mayo 15, 2023, sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa makataong usapin sa Ukraine, hinimok ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang komunidad ng daigdig na ibayo pang pasulungin ang pulitikal na kalutusan ng krisis sa Ukraine.
Aniya, nasa mahigpit na situwasyon ang makataong kalagayan sa nasabing bansa, kaya dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang aktibong aksyon para mapahupa ang epektong dulot ng alitan.
Dapat magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig para pasulungin ang tigil-putukan sa lalong madaling panahon, dagdag ni Zhang.
Aniya, dapat malaking bawasan ang pinsala at pasakit na dinaranas ng mga taga-Ukraine at dapat ding pangalagaan ang pulang linya ng kaligtasang nuklear.
Nananawagan ang Tsina para sa pagtitimpi ng iba’t-ibang panig upang maiwasan ang pananalita’t aksyon na posibleng magdulot ng miskalkulasyon o paglala ng alitan, at kailangang mataimtim na pagsisihan ng ilang kinauukulang bansa tulad ng Amerika, para likhain ang kondisyon para sa pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga umuunlad na bansa, dagdag ni Zhang.
Binigyang-diin pa niyang ang Tsina ay palagiang nasa panig ng kapayapaan, at nagsisikap ang bansa para isulong ang mapayapang talastasan sa isyu ng Ukraine.
Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para abutin ang pulitikal na kalutasan ng nasabing isyu, aniya pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio