Sa isyu ng Ukraine: Tsina, palagiang nakatayo sa panig ng kapayapaan

2023-03-23 16:34:47  CMG
Share with:

Kaugnay ng sinabi ni John Kirby, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Pambansang Seguridad ng Amerika, hinggil sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine, binigyan-diin Marso 22, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat suriin ng Amerika ang papel nito sa nasabing usapin, ihinto ang maling aksyon ng panggagatong ng away, at itigil ang pagbabaling ng sisi sa Tsina.

 


Aniya, hindi nilikha at hindi sangkot ang Tsina sa krisis ng Ukraine, at hindi ipagkakaloob ng Tsina ang sandata sa anumang panig ng krisis na ito.

 

Walang anumang sariling adiyenda o interes ang Tsina sa naturang usapin, bagkus ay palagiang pinapasulong ang kapayapaan at diyalogo, dagdag pa niya.

 

Tiukoy ni Wang na, suportado ng karamihan sa mga bansa ng daigdig ang pagpapahupa ng tensyon at mapayapang talastasan.

 

Buong tatag aniyang tumatayo ang Tsina sa panig ng kapayapaan, diyalogo at tumpak na panig ng kasaysayan.

 

Patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para ganapin ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng pulitikal na kalutasan ng isyu ng Ukraine, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio