Premyer Tsino, hinimok ang mga pagsisikip para palakasin ang real economy at palawakin ang demand

2023-05-19 15:51:30  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay mula Mayo 17 hanggang Mayo 18, 2023 sa lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina, sinabi ni Li Qiang, Premyer ng Tsina, na dapat palakasin ang real economy, palawakin ang domestic demand, at patatagin ang external demand para pasulungin ang pagbangon ng ekonomiya.

 

Chinese Premier Li Qiang (3rd R) visits Weichai Holding Group Co., Ltd. in Weifang, east China's Shandong Province, May 17, 2023. /Xinhua


Aniya, dapat buong lakas na itatag ang bagong plataporma para sa pandaigdigang kooperasyon sa framework ng “Belt and Road Initiative (BRI),” palawakin ang larangan ng kooperasyon, at pataasin ang pagkokomplemento ng mga yaman at lakas para matamo ang mutwal na benepisyo.

 

Sa pagsusuri sa mga kompanya sa Qingdao, lunsod ng Shandong, binigyan-diin ni Li ang kahalagahan ng pagsisikap para paunlarin ang pang-industriyal na internet, upang mabigyan ng lakas ang mga maliit at katamtamang laki ng mga negosyo.

 

Saad ni Li na dapat pabilisin ang mga bagong porma at modelo ng negosyo sa kalakalang panlabas, at palakasin pa ang pagsisikap upang akitin at gamitin ang dayuhang kapital at patatagin ang pandaigdigang market share ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil