Mga unang ginang ng Tsina at ilang bansang Gitnang Asyano, nagkaroon ng biyehang pangkultura sa Xi’an

2023-05-20 17:32:52  CMG
Share with:

 

Inanyayahan ngayong araw, Mayo 19, 2023, ni Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, sina Aigul Japarova, asawa ni Pangulong Sadyr Japarov ng Kyrgyzstan, at Ziroatkhon Mirziyoyeva, asawa ni Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, na pumasyal sa makasaysayang Yisushe Theater sa Xi'an, lunsod ng lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina.

 

Bumisita ang mga unang ginang sa isang museo sa naturang teatro tungkol sa Qinqiang Opera, isang lokal na opera sa Shaanxi, at nanood sila ng palabas ng operang ito.

 

Pinagmasdan nila ang isang mural work tungkol sa pagpapalitang pangkultura ng mga mamamayan sa Tsina at Gitnang Asya noong mahigit 1200 taong nakararaan.

 

Sinubok din nila ang paggawa ng shadow puppet, isang katutubong sining sa Shaanxi.

 

Sa panahon ng pagbisita, sinabi ni Peng, na nakahanda ang Tsina, kasama ng mga bansa sa Gitnang Asya, na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura, at pasulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan.

 

Ipinahayag naman nina Japarova and Mirziyoyeva ang pag-asang palalalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao ng Gitnang Asya at Tsina.


Editor: Liu Kai