Walong mungkahi kaugnay ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang Gitnang Asyano, iniharap ni Pangulong Xi

2023-05-19 15:17:59  CMG
Share with:

Sa kanyang keynote speech sa China-Central Asia Summit na ginanap Biyernes, Mayo 19, 2023 sa Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang sumusunod na walong mungkahi kaugnay ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya:

 

Palakasin ang konstruksyon ng mga mekanismo, para itayo ang malawakang plataporma sa komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng iba’t ibang bansa; palawakin ang relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan; palalimin ang konektibidad; pag-ibayuhin ang kooperasyon sa enerhiya; pasulungin ang berdeng inobasyon; pataasin ang kakayahan sa kaunlaran; palakasin ang diyalogo sa pagitan ng magkakaibang sibilisasyon; at ipagtanggol ang kapayapaan ng rehiyon.

 

Tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang summit ay nakapaglatag ng bagong plataporma para sa kooperasyon ng kapuwa panig, at nakalikha rin ng bagong prospek.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na gawing pagkakataon ang pagdaraos ng kasalukuyang summit, at pahigpitin ang pakikipagkoordina sa iba’t ibang panig, upang mainam na balakin at paunlarin ang kooperasyong Sino-Gitnang Asyano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil