Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina - Makaraang idaos ang China-Central Asia Summit, inanunsyo Biyernes, Mayo 19, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga lider ng limang bansang Gitnang Asyano ang pagbuo ng isang mekanismo ng pagtatagpo ng mga lider ng anim na bansa.
Ang pagtatagpong ito ay halinhinang itaguyod ng anim na bansa tuwing dalawang taon, at gaganapin sa Kazakhstan sa 2025 ang susunod na summit.
Isinalaysay ni Pangulong Xi na pabibilisin ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya ang pagkukumpleto ng mekanismo, itatayo ang pirmihang sekretaryat sa Tsina, gagawing priyoridad ng kooperasyon ang transportasyon, kabuhaya’t kalakalan, pamumuhunan, industriya, agrikultura, enerhiya, adwana, at pagpapalitang tao-sa-tao, at matibay at mabisang pasusulungin ang komprehensibong kooperasyon ng anim na bansa sa mas malalim na antas.
Salin: Vera
Pulido: Ramil