Bagong embahador Tsino sa Amerika, hinirang ni Xi Jinping

2023-05-25 17:02:22  CMG
Share with:

Alinsunod sa kapasiyahan ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), hinirang ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Xie Feng bilang embahador ng bansa sa Amerika.

 

Ayon sa ulat, dumating si Xie sa Amerika noong Mayo 23, 2023.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 24, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing embahador ay mahalagang tulay ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.

 


Umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng Amerika ang kaginhawaan at suporta para sa bagong embahador Tsino.

 

Ang relasyong Sino-Amerikano ay mayroon aniyang napakalahagang katuturan para sa Tsina, Amerika at buong daigdig, kaya, palaging tinatanaw at pinapaunlad ng Tsina ang relasyong Sino-Amerikano ayon sa prinsipyong inilahad ni Pangulong Xi, kung saan ang paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ay binibigyang-halaga.

 

Sa kabila nito, ipinagdiinan niyang matatag na pangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang soberanya, seguridad, at kapakanan ng pag-unlad ng sariling bansa.

 

Umaasa ang Tsina na isasa-alang-alang ng Amerika ang komong kapakanan ng mga mamamayang Tsino’t Amerikano at buong daigdig, palalakasin ang diyalogo, kokontrolin ang pagkakaiba, at pasusulungin ang kooperasyon, para maibalik ang relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad, saad ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio