Umano’y “atake ng hackers” ay sama-samang kampanya ng pekeng impormasyon ng Amerika - Tsina

2023-05-26 16:13:57  CMG
Share with:

Ipinahayag Mayo 24, 2023, ng ilang bansang kanluran at Microsoft na inatake kamakailan ng isang Chinese hacker group ang ilang kritikal na imprastruktura ng Amerika, kabilang ang Guam.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 25, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas, na ang ulat ay lubhang di-propesyonal, seryosong kulang sa hanay ng ebidensya.

 


Tinukoy din ni Mao na napansin nila na ang mga ahensya tulad ng US National Security Agency (NSA) at mga nauugnay na ahensya sa Britanya, Australia, Kanada at New Zealand at iba pang mga bansa ay naglabas din ng mga katulad na ulat ng sabay-sabay.

 

Malinaw na ito ay sama-samang disinformation campaign na inilunsad ng Amerika sa pamamagitan ng Five Eyes alliance para sa nitong layon ng heopolitikal, sinabi ni Mao.

 

Ipinalabas Setyembre noong 2022 ng Tsina ang isang ulat na nagbunyag ng isang cyber-attack ng NSA sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina. Dapat agarang isagawa ng Amerika ang eksplanasyon kaugnay nito, sa halip ng pagkalat ng pekeng impormasyon, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil