Tsina, ibinunyag ang mas maraming detalye hinggil sa cyberattack ng Amerika

2022-09-27 16:33:11  CMG
Share with:

Kaugnay ng cyberattack ng Amerika sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina, inilabas ngayong araw, Setyembre 27, 2022 ng National Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) ng Tsina ang ikalawang ulat para ilantad ang mas maraming detalye hinggil dito.


Ayon sa ikalawang ulat, inatake at kinontrol ng panig Amerikano ang mga nukleong pasilidad ng mga imprastruktura.


Bukod dito, ninakaw din ng panig Amerikano ng datos ng mga pribadong mamamayang Tsino, lalo na ng mga taong may sensitibong pagkakakilanlan.


Ang naturang mga impormasyon ng imprastruktura at mamamayang Tsino ay ipinadala sa punong himpilan ng National Security Agency (NSA) sa pamamagitan ng multiple springboards.


Ayon sa unang ulat na isinapulibliko ng Tsina, ang mga cyberattack ng Amerika sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina ay isinagawa ng Tailored Access Operations (TAO) Office sa ilalim ng NSA ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Mac