Sa pag-uusap kahapon, Mayo 26, 2023, sa Beijing, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Felix-Antoine Tshisekedi Tshilombo ng Democratic Republic of the Congo (DRC), ipinatalastas nila ang pagkakatatag ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi, na matagal at malalim ang pagkakaibigan ng Tsina at DRC, at nagbunga ang kanilang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto. Patuloy aniyang tutulungan ng Tsina ang DRC sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Dagdag ni Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng DRC, na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga multilateral na suliranin, at pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang Aprikano.
Pinasalamatan naman ni Tshisekedi ang Tsina sa pagbibigay-tulong at pagsuporta sa DRC para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Aniya, ang pagbuo ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng DRC at Tsina ay makakatulong sa pagtatatag ng mahusay at matibay na relasyon ng dalawang bansa at pagdaragdag ng benepisyo ng kani-kanilang mga mamamayan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos