Mensahe ng pakikiramay, ipinaabot ng pangulong Tsino sa pangulo ng DR Congo kaugnay ng kapinsa-pinsalang malakas na ulan

2023-05-11 11:45:38  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinaabot Miyerkules, Mayo 10, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Felix Tshisekedi ng Democratic Republic of Congo (DRC), kaugnay ng kapinsa-pinsalang malakas na ulan sa DRC.

 

Saad ni Xi, nasalanta kamakailan ang DRC ng kalamidad ng malakas na ulan, at humantong ito ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag ni Xi ang malalimang pakikidalamhati sa mga nabiktima sa kalamidad, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima, nasugatan at apektadong mamamayan.

 

Nananalig aniya siyang tiyak na pananaigan ng DRC ang kahirapan, at itatag muli ang tahanan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil