Crewed lunar landing, pinaplanong ipatupad ng Tsina bago 2030

2023-05-29 16:49:07  CMG
Share with:

Inanunsyo Lunes, Mayo 29, 2023 ni Lin Xiqiang, Pangalawang Direktor ng China Manned Space Agency, na binabalak ng bansa na ipatupad ang crewed lunar landing bago mag-2030.

 

Aniya, inilunsad kamakailan ng Tsina ang yugto ng pagyapak sa Buwan sa ilalim ng proyekto ng Manned Lunar Exploration (MLE).

 

Ang pangkalahatang target ng MLE ay ipatupad ang kauna-unahang pagyapak ng mga Tsino sa Buwan sa 2030, at isagawa ang siyentipikong eksplorasyon sa Buwan at kaukulang teknolohikal na pagsubok, dagdag niya.

 

Ayon kay Lin, kabilang sa mga target ng proyekto ang pagmamaster sa mga masusing teknolohiyang gaya ng manned round-trip sa pagitan ng Mundo at Buwan; pananatili sa lunar surface sa maikling panahon; human-robot joint exploration; pagpapatupad ng multipleng misyon ng pagyapak, pamamatrolya, pagkuha ng mga sample, pananaliksik at pagbalik; at pagbuo ng indipendiyenteng kakayahan sa manned lunar exploration.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio