Koordinasyon at kooperasyon, pinalalakas ng Tsina’t Alemanya

2023-06-01 16:14:39  CMG
Share with:

Beijing Sa kanyang pakikipagtagpo, Mayo 31, 2023 kay Jens Plotner, Tagapayo ng Chancellor ng Alemanya sa mga Suliraning Panlabas at Seguridad, ipinahayag ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na bilang komprehensibong estratehikong magkapartner, dapat mabuting patatagin at paunlarin ng Tsina at Alemanya ang bilateral na relasyon, at ibigay ang ambag para sa magkasamang pagharap sa mga pandaigdigang hamon.

 


Aniya, patuloy na dumarami ang mga di-mataag na elemento sa kasalukuyang daigdig, kaya dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Alemanya para matagumpay na idaos ang Ika-7 Round ng Inter-Governmental Consultation sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ito aniya ay maglalabas ng positibong senyal sa Europa at buong daigdig.

 

Samantala, ipinahayag ni Plotner na matatag ang pundasyon ng relasyong Aleman-Sino, at patuloy at matatag na nananangan ang Alemanya sa patakarang isang-Tsina.

 

Saad pa niya, nananabik ang kanyang bansa sa pagdaraos ng Ika-7 Round ng Inter-Governmental Consultation sa pagitan ng Tsina at Alemanya.

 

Kasama ng Tsina, magsisikap ang Alemanya para pabilisin ang iba’t-ibang paghahanda para rito, saad niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio