Sa sidelines ng Ika-59 na Munich Security Conference, kinatagpo kahapon, Pebrero 17, 2023, sa Munich, Alemanya, si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, na panumbalikin ang komprehensibong pakikipagpalitan sa Alemanya at Europa sa iba’t ibang larangan, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na pakinabang, at pasulungin ang pag-uunawaan.
Sinabi niyang, puwede nang maghanda ang Tsina at Alemanya para sa bagong round ng pagsasanggunian sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
Kailangan ding suportahan ng dalawang panig ang multilateralismo at malayang kalakalan, tutulan ang decoupling, at pangalagaan ang katatagan ng pandaigdigang kadena ng produksyon at suplay, dagdag ni Wang.
Ipinahayag naman ni Scholz ang pagsang-ayon sa pagpapanumbalik ng kooperasyon ng Alemanya at Tsina sa iba’t ibang aspekto, at pagsasagawa sa lalong madaling panahon ng inter-gobyernong pagsasanggunian ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Scholz, na buong tatag na pauunlarin ng Alemanya ang relasyon ng kabuhayan at kalakalan sa Tsina, dahil ang malakas na relasyong ito ay mahalaga para sa katatagan at kasaganaan ng daigdig.
Editor: Liu Kai