Hindi dapat magpadala ang Amerika ng anumang maling senyales sa seperatistang puwersang pagsasarili ng Taiwan sa ngalan ng ekonomiya at kalakalan - Tsina

2023-06-02 17:24:40  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyung paglagda ng Taiwan at Amerika sa kasunduang pangkalakalan, ipinahayag kahapon Hunyo 1, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi dapat magpadala ang Amerika ng anumang maling senyales sa seperatistang puwersang pagsasarili ng Taiwan sa ngalan ng ekonomiya at kalakalan.

 


Ani Mao, palagiang tinututulan ng Tsina ang opisyal na interaksyon sa anumang porma sa pagitan ng rehiyong Taiwan ng Tsina at bansa na may relasyong diplomatiko sa Tsina, na kinabibilangan ng paglagda ng anumang kasunduan na may kinalaman sa soberanya at official nature.

 

Ang mga nauugnay na aksyon ng Amerika ay seryosong lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at Tatlong Komunike ng Tsina at Amerika, at nilabag din ang pangakong ginawa ng Amerika na panatilihin ang hindi opsiyal na relasyon sa Taiwan. Maraming beses na inilahad ng Tsina ang solemnang representasyon kaugnay nito sa Amerika, saad ni Mao.

 

Binigyan-diin ni Mao na dapat itigil ng Amerika ang anumang porma ng opisyal na pagpapalitan sa pagitan ng Amerika at Taiwan, at hindi dapat makipagnegosasyon at pumirma ng kasunduan na may soberanong konotasyon at official nature sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Puildo:Ramil