Progresong kultural, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2023-06-07 21:30:42  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati para sa kauna-unahang Forum on Building up China's Cultural Strength, Miyerkules, Hunyo 7, 2023 sa lunsod Shenzhen, lalawigang Guangdong sa timog Tsina, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ibayo pang pagsisikap, upang isabalikat ang bagong misyong kultural, at ipagkaloob ang lakas pangkultura at pangkaisipan para sa pagtatatag ng mas malakas na bansa at pagsasakatuparan ng pag-ahon ng Nasyong Tsino.

 

Saad ni Xi, nagpupunyagi ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) upang matamo ang bagong tagumpay sa pagpapaunlad ng sosyalistang kultura.

 

Aniya, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2012, matatag na humakbang ang Tsina upang buuin ang malakas na bansang may sosyalistang kultura.

 

Dapat patuloy na pasulungin ang kasaganaang kultural, itatag ang malakas na bansa sa kultura, buuin ang modernong sibilisasyong Tsino, at palakasin ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa pagitan ng magkakaibang sibilisasyon, dagdag ni Xi.

 


Ang nasabing porum ay itinaguyod ng Publicity Department ng Komite Sentral ng CPC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio