Kakhovka hydroelectric power plant dam, malubhang nasira: pulitikal na kalutasan sa isyu ng Ukraine, ipinanawagan ng Tsina

2023-06-08 15:14:23  CMG
Share with:

Naganap Hunyo 6, 2023, ang pag-atake’t pagsabog sa Kakhovka hydroelectric power plant dam, na nagresulta sa malubha nitong pagkasira.

 

Ang nasabing planta ng enerhiya ay nasa rehiyong Kherson na kontrolado, ngayon ng Rusya.

 

Matapos ang pagsabog, dagliang inilikas ng kapuwa Rusya at Ukraine ang lokal na mga residente.

 

Nasa mahigpit pa ring kondisyon ang naturang lugar.

 

Kaugnay nito, sinabi Hunyo 7, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nag-aalala ang Tsina sa humanitaryo, ekonomiko at ekolohikal na epekto ng pagkasira ng dam.

 


Nanawagan siya sa lahat ng may-kinalamang panig na sundin ang pandaigdigang humanitaryong batas, at pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan at pasilidad na sibil.

 

Binigyang-diin din niyang palagi’t matatag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine, at inaasahan ng Tsina na magsisikap ang lahat para malutas ang isyu ng Ukraine sa pulitikal na paraan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio