Tsina, nakahandang gawin ang lahat ng mga bagay para pahupain ang kalagayan sa Ukraine

2023-06-03 18:12:59  CMG
Share with:

 

Sa news briefing na idinaos kahapon, Hunyo 2, 2023, sa Beijing, isinalaysay ni Li Hui, Espesyal na Sugo ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliranin ng Eurasia, sa mga dayuhang diplomata sa Tsina, ang tungkol sa kanyang biyahe kamakailan sa Ukraine, Poland, France, Germany, punong himpilan ng Unyong Europeo sa Belgium, at Russia.

 

Sinabi ni Li, na sa biyaheng ito, isinagawa niya ang malaliman at matapat na pakikipagpalitan sa mga may kinalamang panig, tungkol sa posisyon ng Tsina sa pulitikal na paglutas ng krisis ng Ukraine, at ipinahayag naman ng iba’t ibang panig ang kahandaang patuloy na makipag-ugnayan sa Tsina sa isyung ito.

 

Tinukoy niyang, sa kasalukuyan, lipos pa rin ng mga elementong kawalang-katiyakan ang kalagayan ng krisis ng Ukraine.

 

Ipinalalagay aniya ng panig Tsino, na dapat ibuhos ang lahat ng pagsisikap, para sa inaasahang kapayapaan.

 

Nakahanda ang Tsina na gawin ang lahat ng mga bagay, para pahupain ang kalagayan at pasulungin ang talastasang pangkapayapaan, dagdag ni Li.


Editor: Liu Kai