PBBM, nangakong lalo pang palalakasin ang relasyong Pilipino-Sino

2023-06-09 17:03:15  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Hunyo 8, 2023, sa seremoniya ng parangal ng ika-3 Award for Promoting Philippines-China Understanding's (APPCU), sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (PBBM) ng Pilipinas, na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, pinakamalaking importer at pangalawang pinakamalaking exporter.

 

Aniya, ang Tsina at Pilipinas ay mayroong komong kapakanan at layunin, gagawin ang lahat ng makakaya upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa, gawin itong mas komprehensibo at estratehiko, pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Pilipino-Sino, upang patuloy na maabot ang mga bagong lebel.

 


Sa panayam ng media kay Pangulong Marcos pagkatapos ng seremoniya, ipinahayag niya na hindi totoo na ang mga pananalitang ang pakataran ng Pilipinas ay lumipat mula sa Tsina patungo sa iba pang malalaking bansa,

 

Aniya, patuloy na magsisikap na tugunan ng Pilipinas at Tsina ang mga hamon ng bilateral na relasyon, at patuloy na magtutulungan upang matiyak ang mapayapa at ligtas na paglalayag sa South China Sea. Umaasa aniya ang Pilipinas na magiging katuwang ng Tsina, upang gawing isang dinamikong sona ng kapayapaan at kalakalan ang rehiyong ito.

 

Samantala, ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na sa pagdalaw ni Pangulong Macros sa Tsina noong unang dako ng taong ito, narating ng mga lider ng Tsina at Pilipinas ang mahalagang komong palagay hinggil sa lalo pang pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Pilipino sa apat na mahalagang larangan ng agrikultura, imprastruktura, enerhiya at kultura.

 


Aniya, nananalig siyang dapat taimtim na isakatuparan ng Tsina at Pilipinas ang mahalagang komong palagay ng lider ng dalawang bansa, palawakin ang pangunahing tunguhin ng paggalang sa isa’t isa, pagtitiwala sa isa’t isa at pagkakaibigan, igiit ang direksyon ng maayos na paghahawak ng pagkakaiba, tiyak na pasusulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino at dudulutin ang mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at ibibigay ang mas malaking positibong enerhiya para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

 

Ang APPCU ay magkakasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Association for Philippines-China Understanding, na naglalayong purihin ang indibiduwal o grupo na nagbigay ng namumukod na ambag para sa pagpapasulong ng pagkaunawa at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina.

 

Nagwagi ng APPCU Hall of Fame sa taong ito sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, at Carlos Chan, isang Filipino-Chinese business tycoon at dating Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Pilipinas sa Tsina.

 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil