Diwa ng bayanihan ng mga Pilipinong mag-aaral, ramdam hanggang Tsina

2023-05-27 18:38:05  CMG
Share with:

Entablado ng pagdiriwang ng ICF ng BNU


Sa pagdiriwang ng International Cultural Festival (ICF) tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, iba’t ibang unibersidad ang nagtatampok ng mga kultura mula sa iba’t bansa, taglay ang galing at husay sa pagkanta, pagsayaw, at iba pa.


Nilo Jayoma Castulo, kanan, Pilipinong estudyante mula sa BNU


Isa si Nilo Jayoma Castulo, estudyanteng doctoral, na kumukuha ng kursong Comparative Education sa Beijing Normal University (BNU), sa nag-iisang kinatawan na lumahok sa pagdiriwang ng ICF kamakailan.

 

Sa pagnanais ni Nilo na ibahagi at itampok ang kulturang Pilipino sa mga Tsino at sa buong mundo, tila ramdam ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipinong mag-aaral sa panahon ng pangangailangan.

 

Aniya, hindi niya magagawang itayo ang Philippine booth kung wala ang diwa ng Bayanihan mula sa Association of Filipino Scholars in China (AFSC), malaki ang naitulong nito sa pagawa ng disenyo at lakas-tao noong panahon ng pagdiriwang.


Zhao Haijia, gitna, mula sa DOLE, kasama ng mga Pilipinong estudyante


Mga produktong galing DOLE at Oishi


Nakatanggap ang Philippine booth ng mga pangunahing sponsor mula sa mga kapatid na Tsino, Zhao Haijia mula sa DOLE ng 600 pirasong Sweetio Bananas at Qi Rimai mula sa Oishi ng 140 mga snack.

 

Tumulong din sa naturang pestibal sila Charmaine Magbuhos at Henry Ruta Zheng mula sa Tsinghua University, Kristine Venesse Anunsawon at Ramela Ledesma mula sa Beijing Institute of Technology, sa pagpapahiram ng mga materyales.


Jolene Grace Lacuarta, tumutugtog at kumakanta ng sariling komposisyon


Ralph Baybado, mula sa Beijing Jiaotong University


Bukod dito, sina Jolene Grace Lacuarta ay tumugtog ng gitara at kumanta ng orihinal na komposisyon, at Ralph Baybado, kapwa nagbahagi ng kanilang rekurso, oras at pagsisikap mula sa Beijing Jiatong University upang mag-ambag sa tagumpay ng kaganapan.

 

Tumulong din ang Overseas Filipino Teachers (OFT) na nagtatrabaho sa Tsina tulad nila, Renato H. Estroga Jr., guro sa kindergarten mula sa Changchun, Jimenez Arthur Jr., Filipino Foreign Expert Awardee mula sa Chengdu, at ang Mary Anne’s Bakery Pastries mula sa Changchun.

 

Saad ni Nilo, nag-alok sila ng pagsuporta sa anumang paraan na maaari nilang maitulong. Sa tingin ko, advantage iyon ng pagiging Pilipino, ang pagkakaroon ng maraming OFW, saan ka man magpunta, lalo na sa Tsina.


Mga tradisyunal na kasuotan mula sa Philippine Embassy, Beijing


Mga materyal na pang-promosyon mula sa Department of Tourism, Beijing


Sinuportahan naman ng Philippine Embassy, Beijing at Philippine Department of Tourism, Beijing ang ICF ng BNU sa pagpapahiram ng mga tradisyunal na kasuotan at mga materyal na pang-promosyon tungkol sa Pilipinas.

 

Ipinapakita lamang nito na kaagapay ng Bayahanihan ng mga Pilipino ang mga kapatid na Tsino, sa pagkakaisa at pagtutulungan na may iisang layunin na katawanin ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

Artikulo/Larawan: Ramil Santos

Pasasalamat kay Nilo Castulo para sa karagdagang larawan