Mataas na lebel na pulong pang-negosyo ng Tsina at Honduras, ginanap sa Beijing

2023-06-12 16:00:33  CMG
Share with:

Ginanap Linggo, Hunyo 11, 2023 sa Beijing ang mataas na lebel na pulong pang-negosyo ng Tsina at Honduras na nilahukan ng halos 200 kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika at komersyo ng dalawang bansa.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagpalitan ang mga mangangalakal ng dalawang panig sa mataas na antas, sapul nang pormal na itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Honduras noong Marso 26.

 

Nakikita itong magpapa-usbong sa bagong lakas-panulak at magpapalalim ng pragmatikong kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.

 

Ayon naman kay Zhang Shaogang, Pangalawang Tagapangulo ng China Council for the Promotion of International Trade, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Honduras, magkasamang pinapasulong ng dalawang bansa ang bilateral na relasyon, batay sa paggagalangan, pagkakapantay, mutuwal na kapakinabangan, at komong kaunlaran.

 

Dahil dito, natamo aniya ang serye ng mga positibong bunga.

 

Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, upang walang humpay na palawakin ang bilateral na kalakalan, at pataasin ang biyaya ng mga mamamayan.

 

Inihayag naman ni Ministrong Panlabas Enrique Reina ng Honduras, na ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon ay magdudulot ng malaking pagkakataon sa mga mangangalakal ng dalawang bansa, at makakapagpasulong sa pragmatikong kooperasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio